How Pinoy Hip-hop survived Covid-19 and the rest of 2020

The whole world experienced the wrath of 2020 at pati ang mundo ng Pinoy Hip-hop ay nadamay sa proseso. Sa kabilaang mga bagyo like Rolly and Ulysses at siyempre ang Covid-19, pero kilala ang Pinoy bilang likas na survivors at hindi basta-basta sumusuko sa ano mang sitwasyon o pandemic.
Obviously, nahinto lahat ng gigs ng mga Pinoy rappers dahil sa social distancing na kailangan sundin para mahinto ang pagkalat ng virus. Sa online or internet and social media nagpatuloy ang mga Pinoy rappers.
Rapper turned Content Creator
Dahil sa kawalan ng gigs, live performances or guesting dahil sa Covid-19, may ilang notable rappers ang nag focus sa content creation via Youtube such as Tiny Montana, Flict-G, Aklaz, Target, Negatibo to name a few from track reviews, reaction, interviews and many more.







