How Pinoy Hip-hop survived Covid-19 and the rest of 2020

The whole world experienced the wrath of 2020 at pati ang mundo ng Pinoy Hip-hop ay nadamay sa proseso. Sa kabilaang mga bagyo like Rolly and Ulysses at siyempre ang Covid-19, pero kilala ang Pinoy bilang likas na survivors at hindi basta-basta sumusuko sa ano mang sitwasyon o pandemic.
Obviously, nahinto lahat ng gigs ng mga Pinoy rappers dahil sa social distancing na kailangan sundin para mahinto ang pagkalat ng virus. Sa online or internet and social media nagpatuloy ang mga Pinoy rappers.
Pinoy Hip-hop Superstar roster of programs
2 Cents
Sinamantala din ng PHS ang Pandemic at ginawa ang segment na 2 Cents, na kung saan naging platform at nagbigay daan upang mapapakinggan ang mga tracks ng maraming underground artists at bibigyan ito tinatawag na 2 Cents, constructive criticism, suggestions, and improvements ni PHS mismo at ng mga audiences during the live broadcast at ito din ay binibigyan ng ranking system sa pamamagitan ng 5 Mics parang 1-5 star rating na katumbas.
Bago pa man mag ka pandemic, sinusubukan ng Pinoy Hiphop Superstar na gumawa ng isang online radio show, na napag ibayo lalo dahil sa pandemic dahil nagkaroon sila ng mas maraming oras.
Dahil sa 2 Cents, marami-raming underground artist ang na discover sa segment tulad nila Drea J, Ino Makata, Binibining Beats, Acid Rogado, Osel San Pedro, HP, Kingdice to name a few.
Ang mga mapipiling maangas at matitikas na tracks ay mapapabilang naman sa ni re-release na Weekly Top 10 sa aming Youtube Channel or Facebook page
PINOY HIPHOP EVOLUTION
Dito rin nag simula ang isa sa maipagmamalaki naming content ang Pinoy Hip-hop Evolution kung saan malalaman mo ang roots or history ng Pinoy Hip-hop from Francis M down to the new school of rappers.


